Genesis 33
1 Tumingala si Jacob. Naglalakad palapit sa kanya si Esau. Apat na raang lalaki ang nakasunod sa kanya! Ibinigay ni Jacob ang mga bata kina Lea, Raquel, at sa dalawang utusang babae.
3 Naglakad si Jacob sa unahan. Naglakad siya palapit sa kanyang kapatid. Pitong beses siyang lumuhod at sumubsob sa lupa bago siya nakarating kay Esau.
4 Tumakbo si Esau! Niyakap niya nang mahigpit si Jacob. Hinalikan niya ito sa leeg nang paulit-ulit. Pareho silang umiyak.
17 Pumunta si Jacob sa Sucot. Nagtayo siya ng bahay at gumawa ng maliliit na silungan para sa kanyang mga hayop. Kaya ang lugar ay tinawag na Sucot. Ang ibig sabihin nito ay maliliit na silungan.
18 Sa wakas ay nakarating si Jacob sa lungsod ng Siquem sa Canaan. Naglakbay siya mula pa sa Padan Aram. Itinayo niya ang kanyang tolda sa labas ng lungsod.