Genesis 32

1 Nagpatuloy din si Jacob sa paglalakbay. At nangyari nga! Sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos sa daan.

3 Nagpadala si Jacob ng mga tao para maunang hanapin ang kapatid niyang si Esau. Nakatira si Esau sa lupain ng Seir, sa liblib na lugar ng Edom.

7 Parang kinuyom ng takot ang puso ni Jacob. Hinati niya sa dalawang grupo ang kanyang mga tao. Hinati rin niya ang mga tupa, mga baka, at mga kamelyo sa parehong paraan.

9 Tapos lumuhod si Jacob. "Diyos ng tatay kong si Abraham! Diyos ng tatay kong si Isaac! Yahweh, sinabihan mo akong bumalik sa lupain ko at sa mga tao ko. Nangako kang magiging mabuti sa akin."

22 Nang gabing iyon, bumangon si Jacob. Isinama niya ang kanyang dalawang asawa, dalawang babaeng utusan, at ang labing-isang lalaking anak niya. Naglakad sila patawid sa mababaw na tubig sa Ilog Jabbok.