Genesis 34
1 Si Dina ay anak na babae ni Lea. Isang araw, lumabas siya para makipagkita sa mga kabataang babae na nakatira malapit sa kanila.
2 Nakita siya ni Siquem. Siya ay anak ni Hamor na Hivita. Siya ang namumuno sa lupaing iyon. Hinawakan niya si Dina. Pinuwersa niya ito.
3 Nabihag ang puso niya kay Dina. Minahal niya ito. Kinausap niya ito nang malambing.
8 Sinabi ni Hamor, "Mahal ng anak ko ang anak ninyong babae. Parang awa niyo na, hayaan niyo siyang maging asawa niya."
13 Gumawa ng plano ang mga anak ni Jacob. Nagsinungaling sila kina Siquem at Hamor dahil sinaktan ni Siquem si Dina.