Ang Katapusan ng Paglalakbay

Sumingit ang ina nina Santiago at Juan sa mga alagad at yumukod sa harap ni Jesus. "Ipangako Mo sa akin na uupo ang aking dalawang anak sa Iyong kanan at kaliwa sa Iyong kaharian." Lumingon si Jesus sa magkapatid. "Kaya niyo bang inumin ang saro na iinumin Ko?" Mabilis silang sumagot. "Kaya namin."...

Nalaman ito ng iba pang sampung alagad at nag-init ang kanilang galit. Pinalapit silang lahat ni Jesus. "Ang mga pinuno sa mundong ito ay pilit na inuutusan ang mga tao gamit ang kanilang kapangyarihan. Pero hindi kayo. Sinumang gustong maging dakila sa inyo ay dapat maglingkod sa iba. Ang Anak ng...

Isang maalikabok na kalsada malapit sa Jerico. Nakaupo ang dalawang bulag na lalaki sa gilid, bukas ang mga kamay, namamalimos. Narinig nila ang tunog ng papalapit na mga tao. Sumigaw sila, "Anak ni David, maawa Ka sa amin!" Sinabihan sila ng mga tao na tumahimik. Mas malakas silang sumigaw...

Matt 20:20