Genesis 4
1 Sumiping si Adan sa asawa niyang si Eva. Nabuntis siya at ipinanganak si Cain. Sinabi niya, "Sa tulong ni Yahweh, nakagawa ako ng isang lalaki!"
2 Kinalaunan ay ipinanganak niya si Abel. Naging pastol si Abel. Binungkal naman ni Cain ang lupa at nagtanim.
3 Lumipas ang panahon. Dinala ni Cain ang ilan sa kanyang mga ani bilang handog kay Yahweh.
6 Sinabi ni Yahweh kay Cain, "Bakit ka galit? Bakit bumagsak ang iyong mukha?"
8 Sinabi ni Cain sa kapatid niyang si Abel, "Pumunta tayo sa bukid." Nang silang dalawa na lang, sinugod ni Cain si Abel. Pinatay niya ito.