Genesis 38
1 Nang panahong iyon, iniwan ni Juda ang mga kapatid niya. Tumira siya kasama ang kaibigan niyang si Hira na taga-Adullam.
6 Pumili si Juda ng mapapangasawa para sa panganay niyang si Er. Ang pangalan niya ay Tamar.
12 Lumipas ang mga taon. Namatay ang asawa ni Juda. Pagkatapos ng pagluluksa niya, pumunta siya sa Timnat para gupitan ang mga tupa niya. Sumama sa kanya ang kaibigan niyang si Hira.
20 Ipinadala ni Juda ang kambing sa pamamagitan ng kaibigan niyang si Hira. Pumunta si Hira para kunin ang mga gamit mula sa babae. Pero hindi niya ito mahanap.