Genesis 21

1 Pinuntahan ni Yahweh si Sara tulad ng ipinangako Niya. Ginawa Niya ang mismong sinabi Niyang gagawin Niya.

4 Nang walong araw na si Isaac, tinuli siya ni Abraham ayon sa utos ng Diyos sa kanya.

8 Lumaki at lumakas si Isaac. Dumating ang araw na hindi na siya pinasuso ni Sara. Naghanda nang malaki si Abraham. Kumain at nagtawanan ang lahat.

9 Pero nakita ni Sara na pinagtatawanan ng anak ni Hagar si Isaac. Ang bata mula sa Ehipto. Nakita niyang inaasar nito ang anak niya.

11 Nadurog ang puso ni Abraham. Anak din niya ang bata ng aliping babae.