Ezra 1
1 Noong unang taon ng pamamahala ni Ciro bilang hari ng Persia, kumilos si Yahweh para tuparin ang kanyang salita sa pamamagitan ni Jeremias. Inudyukan ni Yahweh ang puso ni Ciro na hari ng Persia! Nagpadala si Ciro ng mensahe sa buong kaharian niya. Isinulat niya ito at sinabi,
3 Sinuman sa inyo na kabilang sa kanyang mga tao, nawa'y samahan kayo ng inyong Diyos! Umahon kayo sa Jerusalem sa Juda! Itayo ninyo ang bahay ni Yahweh, ang Diyos ng Israel. Siya ang tunay na Diyos, ang isa na may bahay na nakatayo sa Jerusalem.
5 Nang sandaling iyon, tumayo ang mga pinuno ng pamilya ng Juda at Benjamin! Tumayo rin ang mga pari at mga Levita! Ang lahat ng inudyukan ng Diyos sa kanilang puso ay naghanda para umalis. Pupunta sila para itayo ang bahay ni Yahweh sa Jerusalem!
6 Pinuno ng lahat ng kanilang mga kapitbahay ng mga regalo ang kanilang mga kamay. Mga gamit na pilak! Ginto! Mga kalakal! Mga hayop! Mamahaling mga regalo! At marami pang ibang mga bagay na kusang-loob at masayang ibinigay.